Saturday, December 14, 2019

Bakit Nanghuhusga Ang Mga Tao sa Kapwa?

JUDGEMENT | DELTA ENDURING TAROT
Judgement | Delta  Enduring Tarot

          Ang paghuhusga ay nasa tao. Bawat isa sa atin ay nanghuhusga pero hindi kita masisisi. Minsan ang gating paghusga sa isang tao ay tama at minsan ito rin ay mali, lalong lalo na kapag ang taong ito ay hindi kilala. Bilang tao, nararamdaman namin ang hindi maiiwasang paghikayat na hatulan ang mga tao bilang mabuti o masama, tama o mali. Ang paghuhusga ay nabibigay sa atin ng mga instincts. Minsan ito ang sumasalba sa atin sa panganib. Iyan ay isa mga bunga ng paghuhusga na maganda pero marami rin itong masamang resulta na nakakasakit ng mga tao. Bakit ba naghuhusga ang isang tao sa kapwa?

Image result for judged by face"
What does Different even mean?

          Ang pinaka una na nakikita natin ay ang hitsura ng tao kaya dito natin sila unang hinuhusgahan. Ang taong ito ay maaaring maging napakabuti ngunit dahil sila ay kumilos o tumingin sa isang tiyak na paraan ng isang tao ay maaaring hatulan sila ng mali. Mayroong mga tao na napopoot sa isang tao kahit hindi sila nagkakaroon ng pagkakataon na makilala ang mga ito. Maaaring ang mga tao ay naiingit at iba pa. Ito ay malungkot ngunit totoo. Kaya ngayon, ang mga tao ay nag popokus ng masyado sa kanilang mga mukha dahil dito sila unang hinuhusgahan.

Morality quotes that will help you make proper actions
Morality By Helen Keller

         Ayon sa Social Psych, ang tao ay hinuhusgahan sa tatlong paraan. Ayon sa kanilang moralidad, sa kanilang pakikipagkapwa at sa kanilang kakayahan. Sa tatlo, ang naguuna ay ang moralidad. Mas gusto ng mga tao ang mga karakter na moral kaysa sa mga imoral na karakter. Hindi ito masyadong nakakagulat, dahil ang importante sa atin ay ang katangian ng moral ng isang tao. Sa pakikipag kapwa naman, hinuhusgahan ang pagiging mapagkatiwala ng isang tao, hinuhusgahan natin sila batay sa kung gaano ang pakikitungo nila sa ibang tao sa mga paraan upang maisulong ang mga magiliw na relasyon at ang huli, ang kanilang kakayahan at katalinohan. Hinuhusgahan natin ang mga ito batay sa kung kaya nating isipin na ang tao ay nakamit ang kanyang mga hangarin. Tuwing hinuhusgahan mo ang katalinuhan, kasanayan, at kumpiyansa ng isang tao.

Image result for looking ate the world in our eyes"
You can make a difference: Just open your eyes

             ‘We don’t see the world as it is. We see the world as we are.’ Nagkakaroon tayo ng tama at na paghuhusga. Minsan ito ay malaking tulong sa atin at minsan ita rin ay nakakapagsakit ng isang tao. Ang mga tao ay naghuhusga. Iyan ay nasa ating DNA. Kung kahit ano man yan, itago mo yan sa iyong sarili. Sabihin mo lang kapang hinihingi ito. Isipin mo na ang taong hinuhusgahan mo ay mag kwento rin kaya hindi dapat ikaw ang gumagawa ng huli nito. 



Photo Credits:


      Google Images
       Pinterest






No comments:

Post a Comment