Enero 11-12, 2020
Nandito na ang isa sa pinakakatakot kong araw maliban sa pagsali ko sa CAT Officers. Alam ko na ang araw na ito ay dadating at wala akong magawa kundi gawin ang lahat na makakaya ko upang malampasan ang isa sa mga hamon ng buhay para sa akin. Matagal ako nakagising kaya medyo ako ay nahuli pero nakarating naman ako at sapat na iyan. Bago kami nakapasok sa loob ng paaralan, hinintay muna namin ang buong grupo. Kami ikatlong nakapasok sa sild pero wala namn akong problema dyan. Basta kami ay nakapasok lang, patuloy parin ang laban. Kami ay pumuwesto sa platform at habang naghihintay sa ibang grupo, parang kami ay napagod na kaya kami ay umupo doon.
|
Haven't even started but we already seem exhausted.| Photo by Emmy Julve |
Ang pinaka unang nangyari ay kami ay pumunta sa lobby upang ma umpisahan na ang programa na inihanda ng aming CAT Commandant at Commanders. Ang nagmasimuno ng lahat ay ang puning guro ng aming paaalan na si Ms. Nina Teresa C. Alilin, at ibinigay niya ang opening remarks. Itinuro niya sa amin ang kayang sariling kahulugan ng salitang 'CAMP.' Ang ibig sabihin ng C ay 'communicate openly', ang A ay 'achieving your goals', ang M naman ay 'moments to cherish' at ang P ay 'pay attention'. Iyon ay ang mga payo niya sa amin sa pagharap namin sa aming survival camp. Pagkatapos nito ay ay sinundan ito ng isang maikling 'warm up' na pinangunahan ng aming CAT Commander na si Kyle Emphasis.
|
Yes girl. There is no escape. | Photo by Emmy Julve |
Sumapit na ang oras at ang pinaka unang gawi ay hanapin ang mga 'blindfolds' at 'flag' namin. Umulan habang hinahanap namin kaya kaming lahat ay basang- basa. Pagkatapos, kami ay nagkaroon ng orientation kasama ang aming counselor. Tinuruan niya kami kung paano rumesponde sa mga papaharap na mga hamon sa aming camping at pati narin sa buhay. Hindi talaga namin alam kung anong oras naba dihil pinagbawal ang mga relo at ang aming mga cellphone na rin. Ang pinaka unang kainan ang gaganapin na kaya hinati namin ang mga trabaho. Pagkatapos ng paghaling, pagluto at paghanda ng mesa, kami ay nagkaroon ng 'challenge' sa kainan at iyon ay ang pag barter ng aming mga plato sa ibang kasama namin sa ibang platoon. Kaming lahat ay nainis dahil ang pagkain na aming niluto ay hindi namin na kain pero wala naman tayong magawa kundi ipagpatuloy.
|
CHARLIE <3 | Photo by Emmy Julve |
Ang 'highlight' ng camping namin ay nandito na. Ang Amazing Race na pinaghirapan talaga ng mga commanders at pati na rin sa mga alumni na facilitators. Ang paborito ko sa lahat ng mga laro ay yung ring kung saan dapat kaming lahat ay makapasok. Mga healthy kami ng mga kasama ko kaya iyon ang laro kung saan gabe ang tawanan. Maraming pagsubok ang dinaanan ang platoon namin. Mga tantrums ng kasama kong lider, mga pag wala ng pag-asa at iba pa pero ipinakita namin sa lahat na gaano man ka pait ang mga bagay-bagay sa harapan namin, kaya namin itong tayuan.
|
On what planet will we be able to fit that ring? | Photo by Emmy Julve |
|
Okay, it seems to be working out just fine. | Photo by Emmy Julve |
Dadating na ang gabi at oras na para kumain pero bago kumain, kinuhaan muna kami ng litrato sa mga mukha namin pagod na pero laban parin. Ito ang itsura ng mga taong kumain ng 'carrots' galing sa balde ng tubing kung saan lahat ng mga mukha namin ay naligo.
|
Wow! We look so together in this photo. <3 | Photo by Emmy Julve |
|
CHARLIE by Charlie | Choreography by Shannen Verdida | Photo by Emmy Julve |
Pagkatapos naming kumain ng sabay-sabay (literally), ginawa na namin ang
aming mga trabaho at pinilit kaming lahat na maligo. Isa sa pinakamasayang
memorya ng camping ay ang ligo dahil maraming tawanan at ilogon ng tubig ang nangyari.
Suot na namin ang aming mga pajama at handa na kaming matulog pero hindi
kumpleto ang camping kung wala ang bonfire. Bago ang bonfire, binigyan kami ng
pagkataon upang makausap ang mga tao na medyo hindi klaro ang pagtingin namin
sa isa't isa. Kung sa totoo lang, hindi ako komportable sa parte na iyon pero
nakausap ko ang tao na matagal kuna hindi nakausap kahit konti lang. Nagusap
kami sa mga problema namin sa buhay at pati narin sa isa't isa. Ang pakiramdam
ay pareho noon at matagal ko na hindi ito naranasan. Pagkatapos, kami ay
natulog na.
|
Can we just sleep? | Photo by Emmy Julve |
Sumapit ang araw at kami ay nag gisingan na. Ito na rin ang huli ng camping. Nagkaroon kami ng isang tahimik na umaga at sa wakas, tapos na ang paghihirap. Ang pinakahuling parte ng camping ay ang huling programa. Binigyan kami ng mga awards at bawat isa na sa amin ay may sariling pin na. Hindi man kami nanala pero nakaya naman namin ang lahat at kami ay masaya. Isang mapait pero talagang masayang alala.
|
Charlie and the Gang | Photo by Emmy Julve |
|
Hello soon-to-be the Best Platoon | Photo by Emmy Julve |
Photo Credits
ACT-IS Camera Club
No comments:
Post a Comment